Ang Pag Sasadula

In: Computers and Technology

Submitted By fhea00
Words 476
Pages 2
Unang una po sa lahat magandang umaga po sa aking mga kamag aral, guro, at mga magulang na narito,
Hindi ko po lubos maisip n narito ako ngayon sa inyong harapan at nagbibigay ng aking talumpati ukol sa mga tinahak kong mundo bago marating ang matamis na tagumpay. Naalala ko po noon halos akoy mangiyak ngiyak dahil sa kakapusan ng pera at hirap akong gumawa ng mga project at talagang tipid n tipid ako sa aking pagkain.dumating pa nga ako sa punto na gusto ko ng tumigil sa pagaaral at magtrabaho na lamang, ngunit mas nanaig ang aking mga pangarap sa buhay, pinilit kong maging matatag para sa aking pamilya at aking mga pangarap. Dahil din sa mga pagsubok n dumaan sa aking buhay ay napakarami ng aking natutunan nagsumikap akong magaral upang marating ang rurok ng tagumpay .kaya heto po ako ngayon taas noo ipinagmamalaki ang isang karangalang aking tinanggap. Tunay nga po ang kasabihan “hindi hadlang ang kahirapan upang makamit ang tagumpay”. Magtiwala lang po tayo sa ating panginoong diyos, magkaroon ng pagtitiyaga,pagsusumikap at pagtitiwala sa sarili. Mahalin natin at pahalagahan ang bawat bagay na dumadating sa ating buhay .huwag nating sayangin ang bawat panahon na lumilipas ng wala tayong pagsisihan.
Kaya sa aking mga kamag aral, huwag po nating kalimutan ang ating mithiin huwag tayong magpadala sa mga bagay na alam nating hindi makakatulong sa pagusbong ng ating pagkatao. Naniniwala ako na bawat tao ay may pangarap na gusting matupad, lahat po tayo ay may kani-kaniyang personalidad ngunit isa lamang ang nasa puso ang matulungan ang ating pamilya at magkaroon ng magandang buhay. alam ko na magtatagumpay tayong lahat magkaroon lamang ng determinasyon. Walang anak ang gustong masaktan ang magulang bagaman tayo’y tao lamang hindi maiiwasang makagawa ng pagkakamali ngunit alam ko na sa bawat pagkakamali natin ay lalo tayong nagiging matatag na siyang bumubuo sa…...

Similar Documents

Ang Mga Babae

...ANG MGA BABAE..... 1. Moody: Inborn na sa mga babae to. Kung badtrip kami, wag niyo nang sasabayan. 2. Pag sinabi naming nagtatampo kami, lambing lang katapat: Yung salitang tampo way lang namin yun para sabihing lambingin niyo kami. Konting I love you niyo lang, okay na kami. 3. Gusto namin yung palagi kaming kino-compliment: Pag may bago sa itsura namin, gusto naming mapansin niyo. Kasi nakakataas ng self-confidence namin yun. 4. Pag napansin niyong naging sersyoso yung mga text namin, may mali: Kapag ganun, may nagawa kayong di namin nagustuhan. Kaya be alert. Kapag sinabe naming wala, meron talaga. Nahihiya lang kami. Kaya pilitin niyo kaming sabihin sa inyo. At pagtapos naming masabi, konting lambing lang. Back to normal na ulit. 5. Selosa kami: Kaya iwasan niyong makipag harutan sa ibang girls. Lalo na sa harapan namin. Pero may ibang babae na tahimik lang kung mag-selos. Inoobserabahan lang kayo. Pero kapag napuno, simula na ng away. 6. Kaming mga babae, normal lang ang ma-attract sa mga gwapo: Hanggang tingin lang kami. Kasi hindi naman na namin makikita ulit. Ma-attract man kami sa 1M lalaki, ang puso namin ay para lang sa tunay naming mahal. Ganun din naman kayong mga lalaki. Kapag nakakita ng maganda at sexy. Magaling lang kayong magtago. 7. Kaming mga babae, pinagmamalaki namin yung mga mahal namin ng hindi nila nalalaman: Katulad nalang sa mga GM (Group Message), Facebook at TUMBLR. 8. Ayaw namin sa mga manliligaw na nagmamadali: Yung tipo...

Words: 572 - Pages: 3

Ang Pag-Inom Ng Alak

...INTRODUKSYON Ang pag-inom ng alak, isang napaka-karaniwang karanasan para sa isa Pilipino. Mapababae o lalaki, bata o matanda, halos lahat yata ng mga Pilipino ay umiinom ng alkohol. Bakit nga ba marami ang umiinom? At bakit parang pabata ng pabata yata ang natututong gawin ito? Tama bang ang alak ay nakakabawas ng problema? At bakit nga ba ang hilig uminom ng Pilipino? Bakit isinasabay sa problema ang pag-inom ng alkohol? Ano nga ba ang mas naidudulot nito, masama o maganda? Ano nga ba ang nagtutulak sa mga kabataan ngayon sa pag-inom. Ito siguro ang mga tanong na umiikot sa utak ng isang taong hindi umiinom. Hindi ba nakapagtataka na sa lahat ng okasyon ay perfect attendance ang alak. Minsan nga tayong mga Pilipino ay umiinom ng walang dahilan. Lalo na ang mga matatanda. Halos ginagawa na nilang tubig ang alak. Ang mga Pilipino talaga ay hidi mapakali kapag walang ginagawa. ‘Yan tuloy ang nagiging hobby na ng halos lahat ng Pilipino, ang pag-inom. Isa pa, kahit na hindi masarap ang lngunit sa tingin naming asa ng alak ay mahilig pa rin tayo ditto. Siguro dahil ito sa “tama” na nadadala ng pag-inom ng maraming alak. Hindi rin mawawala ang all time partner ng alak, ito ay ang pulutan. Kaya namin ito napili. Upang madagdagan an gaming kaalaman tungkol sa bagay na ito, dahil kami mismo ay ginagawa ito. Isa pang dahilan ay para mabigyang linaw naming ang bagay na ito sa mga taong hindi umiinom ng alkohol. Mayroon na kaming konting kaalaman tungkol dito, ngunit sa tingin...

Words: 2281 - Pages: 10

Ang Epekto Ng Pag Gamit Ng Advertisement

...ANG EPEKTO NG PAG GAMIT NG ADVERTISEMENT ISANG PAMANAHONG PAPEL NA ISINUBMIT PARA KAY GNG.HIDALGO BILANG PAGTUTUPAD SA MGA KAILANGAN PARA SA FILIPINO 2 CAROLINE L. TAN MARSO 2011 PASASALAMATAN Ako ay lubos-lubos na nagpapasalamat sa lahat ng mga tumulong upang maisagawa ang pananaliksik na ito. Maraming salamat pos a aking mga kamagaral sa Kester Grant College, mga kaklase ko ng high school pa na tumulong sa pagsagot sa aking talatanungan at sa mga kapatid ko ng nagpasagot ng aking talatanungan sa kanilang mga kaklase sa ibang unibersidad. Nagpapasalamat din ako sa aking mga kapatid na napagtatanungan ko, pati sa aking mga kaibigan, at pati din sa aking propesor na si Gng.Hidalgo para sa pag turo saakin kung paano ko ito magagawa dahil kung wala sha hindi ko po ito magagawa ng maayos. TALAAN NG MGA NILALAMAN I. KABANATA 1 : ANG SULIRANIN………………………………….1-4 II. KABANATA 2 :ANG MGA KAUGNAY NG PAGAARAL AT LITERATURA………………………………………………………..5-11 III. KABANATA 3 : PARAAN NG PANANALIKSIK……………………………………………………..13-12 IV. KABANATA 4 : PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG DATOS……………………………………………………………..14-20 V. KABANATA 5 : LGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON………………………………………………..26-28 VI. LISTAHAN NG SANGGUNIAN………………………………………29 VII. TALANUNGAN……………………………………………………….30 VIII. TALAMBUHAY………………………………………………………31 KABANATA 1. ANG......

Words: 6070 - Pages: 25

Ang Pag-Inom Ng Alak Ng Mga Kabataan

...Jaymar Perlas “ Ang Pag-inom ng Alak ng mga Kabataan ” Bilang Bahagi ng Katuparaan sa Asignaturang Filipino – 12 Ipapasa ni, mheiy Marso 20, 201 PASASALAMAT Bilang pasasalamt sa mga taong tumulong at nagging inspirasyon ko upang maisakatuparan ang pananaliksik na ito. G. Jaymar Perlas, aking guro sa asignaturang Filipino, para sa pagbabahagi niya ng kanyang kaalaman at paggabay sa akin mula sa simua hanggang sa huli. Nagging mahirap ang paggawa ng isang pananaliksik ngunit ginawa niya ang kanyang makakaya upang mahasa ang galing ng kanyang mga estudyante. Ang pananaliksik na ito ay isang patunay na hindi nasayang ang kanyang oras at pagsisikap na turuan kaming lahat. Sa aking pamilya, para sa pagbibigay ng walang sawang suporta lalo na sa tulong pinansiyal. Kung wala sila marahil wala din ako sa aking kinatatayuan ko ngayon. Sila ang dahilan kung bakit ako ngapupursige sa pag-aaral upang masuklian ko ang kanilang sakripisyo. Sa aking mga kamag-aral at kaibigan, para sa kanilang tulong at pagpapakitang suporta na siyang naging malaking ambag upang matapos ko ang proyektong ito. At higit sa lahat, sa Poong Maykapal, sa Kanyang paggabay, pagbibigay ng lakas, talino at pagkain sa araw-araw. Malaking tulong ang kanyang naibahagi upang mapagtagumpayan ko ang pananaliksik na ito na dapat tuparin sa Filipino 12. PAGHAHANDOG Ang pag-aaral na ito ay hindi maisasakatuparan ng wala ang mga taong......

Words: 2821 - Pages: 12

Pag-Ibig Niya'Y Walang Kapantay

...Pag-ibig Niya’y walang kapantay Minsan, tinatanong natin kung mahal nga ba tayo ng Diyos dahil sa mga paghihirap at pagdurusa na dinaranas ng iba. Minsan, tinatanong natin kung nasaan ang Diyos. Ngunit kadalasan, ang ating paghihirap ay dulot ng ating pagsuway sa Maykapal. Isa sa mga halimbawa ng paghihirap sa mundo ay dulot ng kalamidad. Maraming iba’t ibang trahedya ang nangyayari dahil hindi natin pinangangalagaan nang wasto ang mundo gaya ng iniutos ng Diyos. Ayon sa kanyang salita sa Genesis, “Ngayon, likhain natin ang tao. Ating gawin siyang kalarawan Natin. Sila ang mamamahala sa mga isda, mga ibon at lahat ng mga hayop, maging maamo o mailap, malaki o maliit.” Ngunit inaabuso natin ang kapangyarihan na binigay Niya sa atin. Hindi natin inaalagaan ang mga hayop at ang kanilang kaharian. Ang dinamita, mga kemikal, sunog, pagputol ng kahoy at iba pa ay hindi lang nakasisira sa mga bagay ng mga hayop, pero ito rin ay nakaaapekto sa atin. Dinudungisan ng tao ang mundo kaya ang tao rin ang may pananagutan sa dinaranas na dusa at kahirapan. Ngunit sa kabila ng lahat, ang pagmamahal ng Diyos ay sadyang walang katulad. Mahal Niya tayo nang lubos. Ang mundo'y magbabago ngunit ang pag-ibig ng Diyos ay sadyang hindi magbabago. Siya rin ay tapat sa kanyang mga pangako at gusto Niyang tayo’y maging tapat sa Kanya. Lagi Siyang nasa ating gabay. Kailanman, hindi Siya nagpabaya. Siya rin ang ating tagapagtanggol at kalasag....

Words: 467 - Pages: 2

Ang Mapagkumbabang Juan Xxiii

...Ang Mapagpakumbabang Papa Juan XXIII Joselito Layug, SSP Ang karamihan ay maaring nalimutan na si Papa Juan XXIII. Bilang pagtanaw sa kanyang alaala ay ilagay sa ating mga isipan ang kanyang pagiging simple at ang kanyang huling pamamaalam. Isang surpresa ng si Papa Francisco ay nagdesisyon na itanghal na santo si Juan XIII noong Hulyo 4, 2013, mula sa pagbigay nya ng kanyang ikalawang himala. Itong pagdidisesyon na kung saan ay wala pang nakagagawa ay ay umabot sa paggising upang maitanghal ding santo si Papa Juan Pablo II, sa pag sang-ayon sa kanyang ikalawang himala. Nagpasya si Papa Francisco sa kadahilanang hindi nya gusting iwanan ang Papa na ito na nagpatawag ng Ikalawang Konseho Vaticano na gumabay sa Simbahang Katoliko sa bagong panahon at pagsasaayos sa modernong panahon. Si Angelo Giuseppe Roncalli, ang baptismal na pangalan ni Juan XXIII na ika-apat na anak sa lang apat na ipananganak na mahirap na Italyano sa Hilagang Italya. Roncalli ay naihayag na Papa noong Oktubre 28, 1958 sa edad na 77 pagkatapos ng labing isang balota. Ang Cardinal na naiitanghal na hindi sumangayon sa desisyon ng mga nakararami na sya ang piliin, sapagkat sya ay matanda at sakitin, sa paniniwalang hindi nya idadaan sa batuhan ang Bangka at payagan ang simbahan na manatili sa kanyang kurso hanggang sya ay mamatay. Pero napatunayang sila ay mali, para sa matandang ito bilang dakilang rebolusyonaryo sa kanilang lahat. Inalala nya ang mga pangyayari bago ipinoklama sa mundo ang......

Words: 687 - Pages: 3

Bote Ng Pag-Asa

...Bote ng Pag-asa Naglalakbay na ang tao sa kalawakan. Milyong milya ang iniabante ng sibilisasyon mula nang gumagala pa ang mga sinaunang tao sa kagubatan para sa kanyang pagkain. Pero kung titingnan ang paghihikahos ng mayorya ng populasyon, parang hindi umusad, kahit isang pulgada, ang kalidad ng buhay. Sa mundong ating ginagalawan, iba-iba ang nakikita natin sa araw-araw. Maraming pagbabago ang ating naranasan at ilan sa mga ito ang nagpapatibay sa anumang meron tayo. Ang bawat minuto ay nagiging oras…ang oras ay nagiging isang araw hanggang sa dumating ang isang linggo. Isang linggong maaring magbigay saya sa’yo o hindi kaya’y isang linggong puno ng pagsubok at kahirapan. Pero sa kabila ng mga ito ay nangingibabaw pa rin ang tibay ng ating loob pagdating sa pagsubok, lalong lalo na ang mga Pilipino. Kilala ang mga Pilipino sa kanilang “tibay ng loob”. Matiisin…Hindi bumibigay sa panahon ng pagsubok. Higit sa buong buhay na ang tibay ng loob ng lolang si Narcisa Povadora, 68, nangangalakal ng bote at plastic para sa ikabubuhay niya. May siyam siyang anak ngunit halos lahat ng ito ay nagsipag-asawa na at hindi na siya sinusuportahan ng mga ito. Sa isang barung-barung na gawa sa kahoy ay masaya siyang naninirahan kasama niya sa bahay nila ang kanyang asawa na nahihirapan na rin sa paglalakad at ang kanyang apo na bata pa lamang ay iniwan na ng kanyang anak sa kanya. Makikita mo sa bahay na hindi ubod ng ganda at halos na laman doon ay mga bote, plastic at kahit mga...

Words: 827 - Pages: 4

Filipino - Ang Guro

...Rosario I. Ang Guro ( Sa Panulat at Direksyon ni Paul M. Ballano) II. Ang Gurong si Miss Amelia Resontoc ang naging inspirasyon ni Ginoong Paul Ballano na kaniyang guro noong nasa unang baiting pangkat palamang siya at ito ang naging daan upang maisulat niya ang isang napakagandang Musicale play.Inialay niya ito ng buong puso’t pagmamahal para sa kaniyang butihing guro na naging daan sa kaniyang pagsisikap at pagpupursigi maabot lamang ang tamis ng pangarap nanais niyang makamit sa kabila man nang mga pagsubok na kaniyang naranasan sa buhay. III. Buod Ang edukasyon ay ang tanging yaman na hinding – hindi maaagaw sayo nino man.kaya’t ang naganap na Musicale play ay nagpapakita ng malaking ambag ng isang guro para sa kanyang mag-aaral. Sapaghihintay ng dating estudyante ng dakilang guro sa paliparan, nagbaliktanaw sila ng kanilang nakaraan noong nasa nag-aaral sila. Hindi nila malimutan ang nagging karanasan sa kanilang mga guro at ang mga ugali nito.Una ang kanilang napakasungit at striktong guro nadinadaan sadahas ang kanyang pagtuturo para katakutan ng mgaestudyante, Siya ay si Miss Palafox. Sumunod ang wirdo nilang guro na mala intsik, Si Mr. Taluctoc na inuubos ang oras ng klase para sakanyang mga ibinebentang kagamitan kaya wala silang maayos na natutunan saknya. Ikatlo angkanilang guro naubod arte at mapamintas sa mga estudyante na walang ibang nakikita kung hindi ang mga pagkakamali nito, Si Miss Alacdan. Ang sumunod ay ang guro nilang......

Words: 1109 - Pages: 5

Ang Pag-Angkop Ng Mga Mag-Aaral Sa Kolehiyo

...KABANATA I: Ang Suliranin at Kaligiran Nito A. Introduksyon Sinasabi ng marami na ang buhay kolehiyo ay isang bagong kabanata ng buhay ng isang indibidwal. Ito ay isang parte ng ating buhay na kung saan ay mabibigyan ng pagkakataon ang mga nagtapos na ng haiskul na pumili ng kanilang patutunguhan sa hinaharap. Ang buhay kolehiyo ay isa ring pagkakataon para masubukan ang mga iba’t ibang kurso na gusto nilang makuha para sa tanang buhay nila. Ang unang araw sa kolehiyo ay ang katapusan din ng mga araw sa haiskul; isa itong panibagong simula para sa mga estudyante. Sa pangkaraniwan, ang mga estudyante ay nagmumuni-muni at nagtataka kung ano ba talaga ang buhay sa kolehiyo (Al-khatib, et al 2012). Sinisimulan ng mga estudyante na kalimutan ang nakaraan at magbigay pokus sa kung ano man ang darating sa hinaharap (Health Center, 2014). Isang bagay na inaasam rin nila ay ang kalayaan na kanilang makakamtan sa pag-apak sa kolehiyo. Kanilang pinapangarap na hindi na muli marinig ang mga walang-katapusan na reklamo at sermon ng kanilang mga magulang. Ang mga estudyante na may ganitong pag-iisip ay pangkaraniwan na may kakayahan na gumawa ng kanilang mga sariling desisyon at ng mga plano na kung saan ay isa ito sa mga pinakalubos na pakiramdam nila simula ng kanilang pagtatapos sa haiskul. Pagpasok ng kolehiyo, nagbabago ang buhay nila mula sa pagiging nakasalalay sa kanilang mga magulang sa pagiging isang independiyenteng tao. Marami sakanila ay lilipat mula sa kanilang......

Words: 758 - Pages: 4

Ang Katotohanan Sa Sarili

...“ANG KATOTOHANAN SA AKING SARILI” Naranasan mo na bang mapag-isa minsan? Yung kinikimkim mo lahat ng hinanakit mo? Kulang ayaw mong ipaalam sa iba kase ayaw mong may nag-aalala sayo kaya kahit mahirap kakayanin mo. Minsan nawawalan na ko ng tiwala sa sarili ko, pakiramdam ko ang hina-hina ko. Pero sa harap ng maraming tao, malakas at matatag ako na para bang wala lang, laging masaya kapag barkada ang kasama, kulitan kapag nasa bahay. Pero hindi nila alam na sa mga sandaling oras na iyon kahit papaano napapawi ang kalungkutan na nararamdaman ko. Kapag dumating na yung oras na mag-isa na naman ako, hindi ko mapigilan na huwag umiyak. Buti na lang nandiyan siya, kahit papaano nawawala yung sakit kase ramdam kong hindi niya ako pababayaan at ayaw niyang nakikita akong nahihirapan. Siya yung kaibigan ko, si JEHOVA. Hindi ko man siya nakikita pero napapagaan niya ang loob ko. Madalas ko siyang kinukwentuhan bago ako matulog. Pagkagising ko sa umaga, naisip ko na huwag mamuhay sa kalungkutan nandito tayo upang maging masaya gawin ang nais niya at abutin ang pangarap na nais mong maging na kasama siya. Gawing inspirasyon ang mga taong ngmamahal at nagmamalasakit sayo at sa mga taong mababa ang tingin sayo. Maraming taong nais kang pasayahin, huwag kang bumukod para lang alalahanin ang mga bagay na bumabagabag sa isip mo. Maraming dahilan para maging masaya ka. Hindi kayang bilhin nang kahit sino man ang ating kaligayahan. Dahil nasa sa atin kung paanong paraan tayo......

Words: 380 - Pages: 2

Pag- Uulat

...Pagpapahayag o pagbibigay ng mga kaalaman o mga kabatiran at kuro-kuro. Sa pamamgitan ng paglalahad, naibabahagi ng tao ang kaniyang ideya, damdamamin, hangarin, paniniwala at kuro-kuro sa mga pangyayari, bagay, lugar o kapwa-tao Katangian ng Mahusay ng Paglalahad: * Kalinawan – nauunawaan ng nakikinig o bumabasa ang anumang pahayag * Katiyakan – nakatuon lamang sa paksang tinatalakay * Kaugnayan – may kaugnayan lahat ng bahagi ng talata o pangungusap. * Diin – may wastong paliwanag sa pagtatalakay. Binibigyang diin ang bawat bahagi nang ayon sa kahalagahan Bahagi ng Paglalahad: * Panimula – kailangang may magandang panimula, na makatatawag- pansin sa mambabasa Paraan upang makabuo ng maayos na panimula a. Magsimula sa pamamagitan ng tanong Hal: Gaano kahalaga ang pag-ibig? b. Magsimula sa pangungusap ng makakatawag-pansin Hal: Pag-ibig! Pag-ibig! Pag-ibig! c. Magsimula sa pamamagitan ng isang kuwento Hal: Hindi matatawaran ang naging pag-ibig nina Florante at Laura. d. Magsimula sa isang diyalogo Hal: “Alam mo, gusto kong makita ang crush ko.” e. Maaaring gumamit ng tuwirang sipi Hal: “O pagsintang labis ng kapangyarihan sampung mag-aama’y iyong nasasaklaw, pag ikaw ang nasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat masunod ka lamang.” f. Gumamit nang malalim na pangungusap na taglay ang kaisipan at daan sa pagbukas ng paliwanag Hal: Pag-big, nagsisilbing salamin sa buhay ng tao. g. Magsimula sa tuwirang paksa. Hal: Pagibig, isang......

Words: 1152 - Pages: 5

Kitilin Ang Diskriminasyon

...III-Rutherford Kitilin ang Diskriminasyon Magandang araw po sa inyong lahat, mayroon akong karanasang nais ibahagi sa inyo, isang araw, habang ako’y nagmumunimuni sa labas ng aming bahay ay may nakita akong grupo ng mga bata sa tabi ng daan, unti-unti akong lumapit at napag-alaman kong pinagtutulungan nilang kutyain ang isang maliit na bata at nang malinaw ko nang maunawaan ang kanilang winiwika ay napagtanto kong ang kaliitan ang dahilan kung bakit ayaw nilang maging kaibigan o kahit makalaro man lang ang kaawaawang paslit at sa halip ay minamaliit pa nila ito. Dahil sa mali ang ginagawa nila, nilapitan ko sila’t pinangaralan. Matapos ang pangyayaring iyon ay may tanong na gumulo sa aking isipan, ano ba ang pinagmulan ng diskriminasyon na kasalukuyang dinaranas ng karamihan sa ating mga Pilipino at maging ng mga mamamayan sa buong mundo? May pag-asa pa bang mabura ito sa bokabularyo, gawi at isip ng tao? Aminin man o hindi ng ilan sa atin ang ganitong gawain, di maipagkakailang laganap na ito sa bawat grupo ng tao. Kung tayo’y magmamasid, sa ating mga silid-aralan pa lamang ay marami nang halimbawa ng diskriminasyon. Ang mga kadalasang batayan ng mga ibang tao sa pagtuturing na dapat ilaan ay ang kulay ng balat, taas, hitsura ng mukha, talino, katayuan sa buhay, kasarian at marami pang iba. Maging sa kasaysayan ng daigdig ay laganap ito, mula Mesopotamia hanggang Europa, lubos na minamaliit ang kakayahan ng kababaihan at mahihirap. Binibigyan ng higit na pansin ang......

Words: 461 - Pages: 2

Ang Pagpapahayag

...Ang Pagpapahayag o Diskurso- Diskurso ang tawag sa pagkakaroon ng makahulugang palitan ng mga pangungusap ang dalawa o higit pang tao. PAGKAKAIBA NG PASULAT AT PASALITA NA DISKURSO (Punto de Vista/ Point of View) PASULAT NA DISKURSO } Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel ng anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao. ( Bernales, et al., 2001) } Ito ay kapwa fisikal at mental na aktiviti na ginagawa para sa iba’t ibang layunin. (Bernales, et al., 2002) } Ayon kina Xing at Jin (1989), ang pagsulat ay isang komprehensiv na kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang elemento. } Ayon naman kay Keller (1985), ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito. 2 paraan ng pagpapahayag o diskurso Pasalita (verbal) – oral Pasulat – gumagamit ng mga ortografikong simbulo gaya ng mga letra 2 uri ng pasalitang diskurso Privado – sa pagitan ng dalawa o ilang tao (kumbersasyunal) Publiko – sa harap ng maraming tao (publikong pagsasalita) PAGKAKAIBA NG PASALITA AT PASULAT NA DISKURSO PASALITA SIKOLOHIKAL -gawaing sosyal -dahil may awdyens at may interaksyong nagaganap; -may kagyat na pidbak sa anyong berbal at di-berbal; at -gumagamit ng mga hudyat o paralinguistic LINGGWISTIKA -maaring gumamit ng mga impormal at mga pinaikling konstruksyon ng mga salita -maaring......

Words: 473 - Pages: 2

Pagsubok at Pag-Asa

...NG PAGSUBOK AT PAG-ASA Ang buhay ng tao kahit na mukhang normal ay isang palagiang pagsubok To be human, to be man is to experience trials Life, itself, is tragic – its a trial Ang pagsubok ay maaaring ihambing sa: kadiliman pagkabilanggo *sa pagdanas ng pagsubok, madalas maramdaman ng indibidwal ang kawalan ng kalayaan – ang indibidwal ay nalilimita ng mga pangyayari kung saan maraming hindi maaaring gawin, nakagapos siya sa di-ginustong uri ng pag-iral *sa kabilang dako, ang pag-asa ay tila isang liwanag na siyang tugon sa kadilimang kinasasangkutan ng indibidwal *kapag lumampas sa itinakdang oras (deadline) ang pagtagal ng pagsubok, nalulugmok ang inidibidwal sa estado ng pagtataboy-ng-pag-asa (despair) Pagtataboy sa Pag-asa: pagtatakwil sa sarila, sa iba at sa Diyos alienation sa pagsuko ng tao: nagagayuma at inaasam na wasakin ang sarili enchantment: inaasahang pag-ulit ng kondisyon o ang hindi pag-alis sa kaniyang kinalalagyan ang pagkagayuma na ito ang nagdudulot sa indibidwal na paniwalaang hindi na gumagalaw ang panahon nawawala ang kaniyang personal na ritmo at pasensiya from this disintegration begins (ang inaasahan niya sa kinabukasan ay binabase niya sa pagkabigo ng nakaraan, walang kalalabasan) solitude: pagsara ng sarili sa iba, pag-iisa Ang pagsuko ay isang pag-indibidwal na gawain. Sa kabilang dako, pag-asa ay isang komunikasyon sa ibang tao. Ang madalas na anyo ng buhay ng tao ay ang pagkabilanggo. ang buhay o ang mundo ay......

Words: 780 - Pages: 4

Sa Pag-Ahon Ng Pilipino

...Sa Pag-ahon ng Pilipino “Ang pangunahing bagay na kinakailangan sa bawat isang Pilipino ay… maging isang mabuting tao, isang mabuting mamamayan an tumutulong gamit ang kanyang ulo, kanyang puso at marahil ang kanyang mga bisig para sa ikatatagumpay ng bansa.” * Dr. Jose P. Rizal Ang bayang Pilipinas ay bayang pinagpala ng Panginoon. Pinagpala sa maraming bagay gaya ng mga likas na yaman, ang mga nagtataasang kabundukan, luntiang kapatagan, malalawak na karagatan at dagat, mayayabong na kagubatan, na nagagamit sa pagtugon ng mga pangunahing pangangailangan ng mga Pilipinoat ng mga dayuhan sa maraming bansa. Pinagpala sa mayamang kultura at tradisyon sapagkat sa Pilipinas nanahan ang pinagsamang impluwensiya ng iba’t ibang bansa sa Kanluran, Asya at Silangan. Ito ang nagbibigay kulay ng natatanging pagkakakilanlan sa ating bansa an dapat naman talagang ipagmalaki. At higit sa lahat, pinagpala ang Pilipinas dahil sa mga Pilipino, sambayanang Pilipino na taglay ang kabayanihan at kapatiran, na may wastong pagpapahalaga, na may pusong mapagmahal at masayahin, at may marka ng tunay na kampeon. Sa maraming pagkakataon ay naipakita na ng mga Pilipino ang kanyang mga kahanga-hangang katangian. Nang ang bayan ay inalipusta at inapi ng mahabang panahon, isinilang ang mga bayaning nagpamalas ng nasyonalismo at nag-alay ng kanilang mga buhay para sa bayan. Pagiging bayani- ito ang katangian ng Pilipino na dapat ipagmalaki at isabuhay sa araw-araw. Sa paglipas ng......

Words: 506 - Pages: 3